Sunday, April 13, 2008

An Invitation

You are cordially invited as we exchange our vows on the 8th of May 2009….




I Junever, take you to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our union and love you more each day than I did the day before. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart, and my love, from this day forward for as long as we both shall live.

In the presence of God and these our friends I take thee to be my wife, promising with Divine assistance to be unto thee a loving and faithful husband so long as we both shall live.

Entreat me not to leave you, or to return from following after you, for where you go I will go, and where you stay I will stay. Your people will be my people, and your God will be my God. And where you die, I will die and there I will be buried. May the Lord do with me and more if anything but death parts you from me.


Friday, April 4, 2008

Kapatid...Kaibigan...Kasangga...

Tatlong salita na tumutukoy sa isang pangalan, si KIKO.

Isang klase ng aso na mas matalino pa sa tao. Tunay ngang kahanga-hanga ang aming itinuring na bunsong kapatid.

Nakasama ko si KIKO sa aming Summer Practicum ng YCSC sa Brgy. Sta. Isabel, Cabiao, Nueva Ecija, taon Mayo 2001. Siya ay alaga ng anak ng aking kasamahan na si Ate Karen. Siya ay maihahalintulad mo sa isang “Teddy Bear”. May maamong muka at tunay nga namang sobrang kulit. Simula noon, ako na ang nag-alaga sa kanya. Araw-araw ko siyang pinapaliguan na parang bata. Kaya kahit tumatabi siya sa pagtulog di kami natatakot sa pulgas. Natural sa isang batang aso na makati ang bibig. Halos lahat na yata ng gamit namin nasira niya at kung alin pa ung paborito mo un ang sisirain nya. Tulad din ng isang bata, di pa niya alam ang kanyang ginagawa. Kailangan mong turuan ng dahan-dahan hanggang sa matuto. Sa tamang paraan at may kasamang pagmamahal.

Noong una, ayaw ng aking tatay na mag-alaga ng aso. Gawa na rin nga mga masasakit na karanasan. Subalit di nagtagal naging malapit din ang loob ng aking mga magulang at kapatid sa kanya. Daig pa namin ang nagkaroon ng bagong kapatid. Itinuring namin siya na parang isang tao. Pinapaliguan gamit ang shampoo at sabon pati na rin ang pag tootbrush. Kasabay sa oras ng pagkain at katabi sa pagtulog. Sa ganong pamamaraan nasanay din siya at unti-unting nabuksan ang isip.

Iba si Kiko kung ihahalintulad mo sa ibang aso. Matalino at marunong umunawa. Ilan sa kanyang mga katangian ay ang pagmostra pag siya ay kailangang mag wiwi at mag puhpuh. Nangangalabit pag gustong lumabas at maglibot. Isang kahol kapag siya ay nauuhaw. Isang paswit lang at alam na nya na kailangan na niyang tumugil sa kanyang pangungulit. Malambing din siya tulad ng isang bata. Kailangan mong suyuin pag may topak. Gustong-gusto niya ang sinusubuan sa oras ng pagkain. Mahilig din siya sa chocolates. At ang isa pa niyang bisyo kailangan pag umalis kami ng bahay dapat may pasalubong ka sa kanya pagdating. Pag wala asahan mo na ang kanyang pagtatampo. Sa oras ng pagtulog siya mamimili kung kanino niya gusto tumabi. Mahilig makisiksik sa higaan at pag natulog parang tao. Mas malakas pa siya maghilik kesa sa tatay ko.

Tulad ng isang bata, madalas galit din siya sa mga kalaro niya. Ayaw niya ng inaasar ng ibang bata. Pag nagalit kami sa kanya alam niya kung pano manuyo. Lalapitan ka niya at kiskiskis ng kikiskis. Ang nakakatuwa pa, alam din nya kung sino ang mga di namin close na kapit-bahay. Masinop din siya pag dating sa pagkain. Ugali niya ang maghanap ng buto at ibabaon sa lupa. Mga ilang araw bago niya ito kainin.

Pitong minuto, pitong oras, pitong araw, pitong lingo at pitong taon. Pito-pito kung tawagin. Sabi nga nila ang aso daw ay pito-pito. Kapag ikaw’y nakagat, asahan mo ang epekto ng kanyang kamandag. At ang bilang daw ng edad ng aso ay pitong taon katumbas ng isang taon sa edad ng tao. Subalit sadya nga bang totoo? Maari, si Kiko ay inabot ng Pitong taon.

Tunay ngang nakakahanga ang katalinuhan at angking kagalingan ni Kiko. Isang mabait na kapatid…isang tunay na kaibigan…at isang tunay na kasangga.

Tulad ng isang tao, ang kanilang buhay ay hiram lamang. Sa takdang panahon, kailangan rin magpaalam. Masakit man isipin pero kailangang tanggapin. Ang iyong paglisan ay bumalot ng matinding kalungkutan sa puso namin. Pabaon namin sayo ang aming pagmamahal at mananatili ka sa aming ala-ala. Ikaw na nag-iisang KIKO ay walang katulad. Maraming Salamat. Mahal ka namin.



KIKO
2001 - 2008

Wednesday, October 17, 2007

My Eid Holiday @ Al-Khobar


Eid Holiday is the celebration of the end-long of Ramadan. I think if you will compare it to Filipino's tradition it is the celebration of New Year season. Before the Ramadan ended they buy new cloths, new appliances and toys for the kids. It is essential for them to wear new cloths during the festivity and prepare special cuisine.





Everyone working here in the Kingdom is waiting for the celebration of Eid because it is five (5) days of no work and point in time to rest.

Almost all Muslims went to Makkah to go for Umbra as their traditions. They call it the Holy Place.




During the celebration, I went to Al-Khobar, Eastern province of the Kingdom. It is a long and exciting trip. Maybe 6-7 hours ride with bus or a train. But to make it more thrilling I ride on with our trailer driver. It's a long and widen road. The environment is surrounded with desert and some camels. The weather is quite hot and puff with air. When I reached Dammam I feel the big difference. Unlike in Riyadh, humidity is the difficulty in the place.


Eastern province is fairly open-city. You can wear shorts and sleeveless outside. We went to a mall (exclusively for Filipinos) named Ramaniyah Mall. You can also converse with the girls freely (that's very remarkable) and the fare for a taxi is very cheap.




I can't imagine that there is a beautiful place to go in Saudi Arabia. Beyond my expectation, we went to a beach resort (Half Moon Beach Resort). A very nice place to unwind and the ambience were very great. Crystal clear water and smooth white sand. I think it is the same with Boracay in the Philippines. It is open for public and no entrance fee needed. All people in the place are 100% Filipino. They are gazing for halaan like what we did. Just like a simple dance…..shake it….and feel it…..I'd stay in Al-Khobar for five days.


I am very thankful for their warmth welcome and accommodating me so well. I really enjoyed my vacation and I swear to myself that I will go back to Dammam on Hadj Holiday. Now, I realize that Saudi Arabia is not a very strict country. Just respect their traditions and regulation and you can live here contentedly.



I would like to extend my deepest appreciation and thanks to Mr. Gerald for accompanying me to go to Al-Khobar. To Kuya Alex for sharing stories until 3:00am. To Kuya Rolly for lending me his bed. To Engineer for the liquor that we have shared and as well to Ronnie.




Indeed, my vacation turns into a worthwhile.





***My Eid Holiday @ Al-Khobar
RAMADAN 2007

Saturday, August 4, 2007

"No one completes YOU except YOU"

"We grow old and suddenly we want to hurry things...

Don't commit when you're not ready...

Don't keep others waiting endlessly...

To fulfill you're parenting fantasies get a puppy...

Don't bring another life into this world for all the wrong reasons...

To keep yourself warm buy a jacket...

In the long run it will be less complicated and lost costly...

Take care of yourself...

Don't wait for someone take care of you...

MAPAGMAHAL AT MAPAGKALINGANG INA

OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP

Ang akdang ito ay tumatalakay sa pagpapatunay at pasasalamat sa isang tunay na Inang Mapagkalinga at Mapagmahal. Ang nasusulat dito ay pawang katotohanan lamang at hango sa tunay na karanasan.

ISANG PAGPAPATUNAY

Isa ako sa mga deboto ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Siya ang takbuhan ko sa lahat ng oras, tuwing di ko alam ang aking gagawin at kapag ako'y gulong-gulo.

Bilang isang Katoliko ako ay naniniwala sa ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Noong ako ay bata pa lamang sa mga usap-usapan ko lang nadidinig ang simbahan ng Baclaran. Marami daw ang dumadayo dito upang magbigay pugay sa mapaghimalang Birhen, ang Mother of Perpetual Help. Kaya naman pinangarap ko ang makarating dito upang malaman kung ano nga ba ang misteryong bumabalot sa lugar na iyon.

Naaalala ko pa noong una, ng magsimula akong maghanap ng trabaho sa Maynila. Isang dayuhan na tila walang alam sa panibagong mundong aking napuntahan. Lakas loob akong pumunta sa bahay dalanginan ng Mahal na Ina kahit di ko alam kung saan ito matatagpuan. Sa karamihan ng tao ako ay nakisabay sa paglalakad. Kahit na may kaba sa aking dibdib hindi ito naging hadlang upang ako ay magpatuloy sa aking pupuntahan. Hindi ko maipaliwanag, subalit parang may nagtuturo sa aking mga paa kung saan ang tamang daan patungo sa aking nais puntahan. At sa aking patuloy na paglalakad nakita ko na ang karatula ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na ako at at nawala ang pagod ko sa kabila ng medyo mahabang paglalakad. Tunay ngang ako'y namangha ng makapasok na ako sa loob. Tahimik, maaliwalas na paligid at tila ba puno ng misteryo. Naguumapaw ang aking kagalakan sa loob at labas ng aking pagkatao. Pakiramdam ko ako ay tunay na pinagpapala.

Simula noon naging madalas na ang pagbisita ko sa tahanan ng Mahal na Ina. Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho noon, at pagkatapos kong mag-apply tumutuloy ako sa sa Mahal na Ina upang magpasalamat at humingi na rin ng gabay at patnubay sa ara-araw. Marami rin akong naapplayan, pero di ako pinapalad na matanggap. Pero alam ko na may magandang plano sa akin ang Mahal na Ina. Di nagtagal natanggap ako sa trabaho at patuloy pa rin sa kung ano ang nakagawian ko.

Marami ang nagsasabi na kapag nabuo mo daw ang siyam (9) na araw na Novena ay maari kang humiling sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Kaya naman ako ay pinilit kong mabuo ang siyam na araw, at patuloy pa rin ang aking pag bisita kahit na natapos ko na ito. Isa sa naging kahilingan ko ay ang makapunta ng ibang bansa, ang makapagtrabaho doon at hanapin ang kapalaran upang mabigyan na rin ng magandang buhay ang aking pamilya.

Matagal ang panahong lumipas at hindi pa rin dinidinig ang aking kahilingan. May mga pagkakataon din na may nag offer sa akin para magtrabaho sa ibang bansa. Akala ko ay un na ang kasagutan sa aking hiling. Subalit lumipas ang panahon at hindi pa rin ako pinalad. Sa kabila ng ito walang nagbago at patuloy pa rin akong nanalig sa Mahal Ina.

Ilang taon ang lumipas, marami na din akong napasukan na trabaho. Pero ang pananalangin sa Mahal na Ina ay hindi nagbago, bagkus lalo pang naging matatag ang aking paniniwala.

December 2006, isang tawag ang aking natanggap mula sa Agency na aking inaplayan. Sila ay naghahanap ng Secretary para sa isang kompanya sa gitnang silangan. Di ko inaksaya ang pagkakataon, sabi ko sa aking sarili na maaring ito na ang kasagutan sa matagal ko ng iniintay. Inayos ko lahat ng mga kailangan na papeles at sinuri ang bawat detalye.

January 2007, isang tawag muli ang aking natanggap mula sa aking agency, kung saan isang magandang balita. Kailangan ko na daw maghanda at magintay para sa aking Visa at Ticket. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig nung araw na iyon. Biglang gumulo ang aking isipan, may kaba sa aking dibdib na di ko maipaliwanag. Noong araw ding iyon pagkatapos kong magpunta sa agency para ikonpirma ang balita nagtungo ako sa tahanan ng Mahal na Ina upang magpasalamat at humingi ng gabay upang tulungan akong ihanda ang aking sarili at nawa ito na ang kasagutan sa aking matagal na kahilingan.

Makalipas ang ilang lingo, isang nakakagulat na balita, March 7, 2007 and schecule ng aking flight papuntang Riyadh, K.S.A. nasabi ko na lang sa aking sarili na ito na nga ang kasagutan at lubos ang aking kagalakang nadarama sa pagkakataong iyon. Panibagong yugto ng aking buhay ang magbubukas at kailangan kong harapin ng buong tapang.

Ngayon, ako ay kasalukuyang nagtatrabaho na dito sa Riyadh, K.S.A. Alam ko na kasama ko palagi ang Mahal na Ina saan man ako magpunta, malayo man ako sa aking mahal sa buhay, hindi ako nangangamba dahil alam kong may matibay akong sandata, ang panalangin at isang mapagkalingang Ina.

Tunay ngang mapag-himala ang Mahal na Ina. Magtiwala ka lamang at sa takdang panahon, ang iyong kahilingan at kung talagang laan para sayo ito'y kanyang ipagkakaloob.

Maraming Salamat po Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Nawa ay patuloy mo po akong gabayan sa lahat ng aking gagawin upang ang lahat ng mithiin ko sa aking buhay ay aking makamit.

"Ipanalangin mo po kami oh Santang Ina ng Diyos, ng kami'y maging dapat sa mga pangako ni Hesus Kristong aming Panginoon" AMEN.


Mapagmahal at Mapagkalingang INA
Kiko d' Great
04 August 2007, 6:56pm

Tuesday, July 17, 2007

Mga Kapuso at Kapamilya….


My RED RIBBON Family


Ikaw ba ay kapuso o kapamilya?

Masaya ako at ipinagmamalaki na ako ay kapuso at kapamilya. Hindi ko tinutukoy ang Channel 7 at Channel 2. Kapuso at kapamilya sapagkat ito ang naging turing sa akin ng mga nakasama ko trabaho sa Red Ribbon Call Center. Masuwerte ako na nakilala ko ang mga taong ito.

Sa simula ay tila ba isa akong maamong tupa na kailangan kong sumunod at makiramdam sa kanila. Nung ako ay trainee pa lamang ang naging expression ko sa kanila ay mga masusungit at tila ba mahirap pakisamahan at sa sobrang daming produkto ng Red Ribbon parang sobrang hirap matandaan. Kailangan din matutunan ang iba't-ibang lugar at kalye sa parte ng Maynila. Sabi ko sa sarili ko parang di ko kakayanin ang makisama at maging parte ng kanilang grupo. Subalit ako ay nagkamali. Ang mga masusungit na mukha ay napalitan ng mga ngiti ng nagsimula na akong mag training. Para sakin "every beginning is difficult" at alam ko na lahat ay napag-aaralan at natutunan.

"Thank you for calling Red Ribbon Delivery this is KIKO how may I help you?"

---ito ang pamatay na spiel ko sa RRB…

***************************************************************

Si Ma'am Lala ang supervisor ng Red Ribbon Call Center. Mabait at madaling pakisamahan. Mabait siya sakin. Walang araw na di ako late gawa na rin ng layo ng bahay ko sa opisina pero malawak ang kanyang pang-unawa.

Si Ma'am Jez at Aloha ang mga verifiers. Si Ma'am Jez, isang tipo ng tao na maingay pero natutuwa ako sa kanya sapagkat siya ang tanungan ko pag hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Si Aloha, tamahik lang siya at focus sa trabaho pero wag ka marami siyang tagahanga sa mga sangay ng Red Ribbon. Maaring may mala-anghel siyang tinig sa likod ng telepono.

Si Kuya Nhol siya ang taong di ko malilimutan, sapagkat siya ang gumabay at nagturo sa akin nung ako ay trainee pa lamang. Hanga ako sa taong ito sapagkat marami siyang alam pagdating sa mga kalye at kabisado ang mga produkto. Siya rin ang clown sa office. Noong una akala ko di ko siya makakasundo, strikto pag nagsalita, may laman pag nagbiro pero mali pala ang aking hinala. Sobrang kulit ng taong ito. Siya ang nagbibigay saya pag ako ay inaantok sa opisina.

Si Joei, direct to the point pag nagsalita. Ang dakilang tindera sa opisina. Isa rin siya sa mga taong nagtrain sa akin. Naaalala ko pa noong una mas malakas pa ang boses niya sa akin kaya ung caller dinig na dinig siya. Masarap ang mga tinda niyang sandwich. Kaya lang di pwede utang, cash dapat. Isa rin siya sa bumabasag sa katamihikan sa opisina.

Si Jha-jha, isang malambing at makulit na kasama. Hilig niya ang kumain, mang-istorbo pag natutulog. Siya ang puppet ko sa opisina, siya rin ang madalas ko kakulitan. Palagi siya may baong mais. Sa isip-isip ko nga siguro may taniman sila.

Si Bing, the text twist master. Tahimik pero makulit. Elegante magdala ng damit. Sosyal pag sumagot ng caller. Parang international call center ang dating. Siya ang taga-sagot pag di ko alam ang nilalaro kong text twist. Isang sulyap konting isip at gotcha, alam na niya ang salitang pinahuhulaan.

Si Shamin, ang pinakabata sa opisina. Tahimik lang at laging mukang seryoso. Bilib din ako sa taong ito malakas kumain ng kanin.

Si Ate Fel, isa sa mga clown sa opisina. Mahilig magpatawa at masiyahing kasama.

Si Ate Jane, sa unang tingin isang babaeng galit sa lalaki. Sa madaling salita suplada. Pero masarap kasama sa mga gimmicks at madadala ka sa kanya kapag tumawa na.

Si Josan, may maamong mukha na di mo maiiwasang mapatulala. Pag dating sa boses para kang nakikipag-usap sa isang bata. Tahimik lang ang taong ito pero pala-ngiti.

Si Mhady, ang dakilang iniirog ni jha-jha. Isa sa mga text twist addict. Serious type person at tapat sa kanyang minamahal.

Si Sir Rhouel, seryosong tao. Tahimik at strikto. Di ko siya masyado nakasama sa mga gimmicks pero alam kong may ginintuang puso at mababang loob.

Si Jaz, ang kikay sa grupo. Mahilig mag mix and match pag dating sa pananamit. Malambing pero kalog. Palagi ko siya iniintay na umuwi sapagkat bago siya umalis lahat ibebeso-beso niya. Kaya excited ako pag uuwi na siya.

Si Mommy Cherry, artistahin pag dating sa looks. May hawig kay Lorna Tolentino. Unang impresiyon ko sa kanya masungit at strikta. Pero nung nakasama ko na, pakiramdam ko kasama ko ang nanay ko. Isang tunay na mommy na nagaalala sa kanyang mga anak. Palagi niya ako hinahanap sa tuwing lumalakad kami. Para kong isang batang paslit na pag nawala sa kanyang paningin ay di na mapakali. On the go rin siya pag dating sa mga lakad. Siya ang astig na mommy ng grupo.

Si Arline, may mala-anghel na itsura pero kalog din pala. Siya ang madalas kong asarin pag nasa opisina. Tahimik pero talented person. Laman lang siya ng bahay. Madalang sumama sa mga gimmicks. Palagi ko naaalala ng nilibre niya ko ng cake (Tiramisu) kasi nilibre ko din siya kaya patas lang din.

Si Mhabel, nakasama ko na siya nung nasa Meralco pa lang kami. Siya ang partner in crime ko. Palagi ko request sa Supervisor namin na sabay kami ng break. Madalas kami magkasabay sa pagkain at pati sa paguwi. Training pa lang namin iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Kaya di nagtagal nahulog ang loob ko at di ko napigilan na ipagtapat ang tunay kong nararamdaman. On the go din siya kahit saang gimmicks at walang arte sa katawan. Simpleng tao na may pangarap sa buhay.

At ang pinaka astig sa lahat…..si Ma'am Eloi. Direct to the point pag nagsalita. Plastic kung plastic. Mahilig mangbara pero masarap kasama. Ang kontra bida ng buhay ko, taga-puna pag late ako, pero siya ang tulay ng pag-ibig ko. Siya ang sabihan ko ng mga sikreto at handang tumulong pag nangailangan ako.

Sila ang mga kapuso at kapamilyang ipinagmamalaki ko. Mga taong naging parte ng buhay ko na kailanman ay di ko malilimutan. Mga araw na hinahanap-hanap ko. Sa kanila ko naramdaman ang pagtanggap sakin bilang isang tunay na kapamilya at kapuso.


"Thank you for calling………………….thank you for being part of my life…."


Mga Kapuso at Kapamilya
KIKO d' GREAT
14 July 2007 03:45pm

Sunday, July 15, 2007

SI INAY AT SI ITAY


Mapalad ako na magkaroon ng mga magulang na tulad nila. Hindi man nila ako nabigyan ng marangyang buhay subalit masaya ako sa kung ano ang naibigay nila sa akin……pagpapalaki sa tamang paraan at puno ng pagmamahal ay sapat na.


Ang aking masipag na Itay. Lumaki sa hirap na dala ng buhay. Bukid ang kanyang naging libangan kaya sa di siya pinalad na makapagtapos ng pag-aaral. Subalit hindi ito naging hadlang upang matugunan niya ang aming mga pangangailangan. Pinalaki niya ako sa tamang paraan at tinuruan ng magandang asal. Isang tunay at matibay na pundasyon ng pamilya.

Ang aking dakila at ulirang Inay. Masipag na tulad ni Itay. Lumaki sa pamilyang salat din sa karangyaan. Isang maunawain at mapagmahal na ina. Tinuruan niya ako ng magandang asal at kung pano mabuhay sa sarili kong paa ng di umaasa sa iba. Isang dakilang ilaw ng tahanan na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya.


Sila ang mga magulang na tunay ngang ipinagmamalaki ko. Wala ng hihigit pag dating sa kasipagan……pagmamahal na di mapapantayan.

Sila ang inspirasyon ko upang matupad ang aking mga pangarap. Ang mabigyan sila ng magandang buhay na di nila naranasan noon. Di ko man masuklian ang pagmamahal na ibinigay nila, handa akong gawin lahat para sa ikabubuti at kanilang ikasasaya.

Isang malaking tagumpay ang makapagtapos ng pag-aaral. Kayamanan na di makukuha nino man. Ito ang sandata ko ngayon upang harapin ang mga hamon ng buhay.

Malayo man ako sa kanila ngayon, baon ko pa rin ang mga pangaral at mga kaalaman na itinuro nila sa akin. Masasabi kong kaya ko ng mabuhay sa sarili kong paa. Ngayon, nagagamit ko na ang mga itinuro ng aking mga magulang. Ang manatiling mapagkumbaba at magbalik tanaw sa pinanggalingan.

Nawa ay patuloy akong gabayan ng Poong Maykapal sa lahat ng aking gagawin upang mga pangarap na minimithi ay aking makamit.



SI INAY AT SI ITAY
KIKO d' GREAT
15th July 2007 11:47am

Wednesday, July 11, 2007

KAIBIGAN...

Lahat ng nilalang dito sa mundong ibabaw ay may mga kinikilalang kaibigan. May iba't-ibang uri o klase ng kaibigan. Ang iba ay dadaan lang panandalian at ang iba naman ay ung tipong sasamahan ka hanggang sa huling biyahe ng buhay.

Ano para sayo ang kahulugan ng salitang kaibigan?


"Kaibigan" ay isa sa pinaka importanteng sangkap ng buhay. Sa pamamagitan nila malalaman mo ang tunay na kahulugan ng buhay.

Simula pagkabata, buhat ng mamulat ang kaisipan, maituturing na isang kaibigan ang iyong mga kababata. Sila ang nagbibigay kulay sa mga araw mo at oras na lumipas. Kasama sa tawanan at iyakan. Naaalala mo pa ba kung sino ung madalas na umaaway sayo o ung madalas mong inaaway? Diba't kaysarap magbalik sa panahon ng pagkabata?

Sa paglipas ng panahon mas maraming tao kang makikilala at makikisabay sa agos ng buhay.

Noong ikaw ay nasa elementarya pa lamang, naaalala mo pa ba kung sino ang kasabay mo sa pagpasok sa iskwela at paguwi ng bahay? Mga kalaro sa oras ng recess? Sila ay maituturing na kaibigan.

At noong ikaw ay high school? Mga kaibigan sa pag-kacutting classes? Mga kasama sa kalokohan? Marahil ang ilan ay nakakasama mo na noong ikaw ay bata pa lamang.

Nasa sa iyo kung pano ka papahalagahan ng iyong kaibigan. Kung paano mo sila pahahalagahan at pangagalagaan.

Masasabi ngang may dalawang klase ang kaibigan; (1) kaibigan sa masasayahang oras ng buhay. Sila ang mga kaibigan na palagi mong kasama sa mga gimmicks at kalokohan. Paano kapag ikaw ay nangailangan? Kasama mo pa rin ba ang mga tinuturing mong kaibigan? Sila ang unang klase ng kaibigan, kasama mo lang sa oras ng kasiyahan. (2) kaibigan sa masasaya at malungkot na parte ng buhay. Sila naman ang klase ng kaibigan na kasama mo sa lahat ng oras. Di lamang sa masayang bahagi bagkus handang dumamay sa oras ng pangangailangan. Handang tumulong at magbigay ng suporta. Sila ang matatawag na tunay na kaibigan, sasabay kahit hanggang sa huling biyahe ng buhay.

Pinalad ako na makilala ang mga tinuturing kong kaibigan simula pa lamang nung ako ay high school. Kasama sa lahat ng oras maging sa kasiyahan o kalungkutan man…hanggang sa ngayon na may kanya-kanya na kaming mga buhay at magkakalayo sa isa't-isa di pa rin namamatay ang apoy na patuloy na naglalagablab sa kabila ng di pagkikita. Mga kaibigang laging nag-aalala at nagbibigay ngiti sa aking mga labi. Tunay ngang nakakamiss ang mga araw na nagdaan. Mga kwentong-barbero kasabay ng ikot ng tagay. Mga tinig na pilit sumasabay sa musika…mga tawanan na parang walang katapusan…mga halakhakan sa kabila ng kalungkutan…sila ang mga tunay kong kaibigan na higit sa magkakapatid ang aming turingan…


VALLARTA….PUTE….DIEGO….DORO….BADYANG….GLAISA….JOY


KAIBIGAN
KIKO d' GREAT
11th July 2007 6:11pm

Saturday, July 7, 2007

Beautiful China

China is one of the world's oldest continuous civilizations. It has the world's longest continuously used written language system, and the source of some of the world's great inventions, including the Four Great Inventions of ancient China: paper, the compass, gunpowder, and printing.