Showing posts with label love story. Show all posts
Showing posts with label love story. Show all posts

Sunday, April 13, 2008

An Invitation

You are cordially invited as we exchange our vows on the 8th of May 2009….




I Junever, take you to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our union and love you more each day than I did the day before. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart, and my love, from this day forward for as long as we both shall live.

In the presence of God and these our friends I take thee to be my wife, promising with Divine assistance to be unto thee a loving and faithful husband so long as we both shall live.

Entreat me not to leave you, or to return from following after you, for where you go I will go, and where you stay I will stay. Your people will be my people, and your God will be my God. And where you die, I will die and there I will be buried. May the Lord do with me and more if anything but death parts you from me.


Thursday, July 5, 2007

SUGAT NG KAHAPON


Diba't kay sarap magbalik-tanaw sa mga magagandang ala-ala ng kahapong nagdaan. Mga matatamis na sandali na tila ba wala ng katapusan. Subalit hindi sa lahat ng oras ay puro kasiyahan, bagkus kakambal nito ang mga pangyayaring ni sa hinagap ay di mo naisip. Mga mapapait na sandali na magpapahina sa iyong kalakasan kasabay ng paghinto ng mundong ginagalawan at pati na rin isipan mawawala sa katinuan.

Ito ang kwento ng sugat ng kahapon……nagiwan ng marka at patuloy na kumikirot sa loob ng aking damdamin at kaluluwa.

Naranasan mo na bang iwan ng iyong minamahal? Ang iwan ng walang dahilan? Ipagpalit sa iba? Ilan lamang ito sa mga katanungang patuloy na pumupukaw sa aking puso't isipan na hangang sa ngayo'y walang malinaw na kasagutan.

Buong buhay ko'y inilaan, upang ika'y pagsilbihan,
Minahal ng buong puso't walang pag-aalinlangan.
Lahat pinilit kong ibigay, maging sariling buhay
Mapasaya ka lamang upang ako'y hindi mo iwan….

Sa loob ng mahabang panahon ng pagsasama
Pag-ibig na tapat ay hindi naging sapat,
Ako'y iyong iniwan ng wala man lang paalam
Iniwan mong nag-iisa ang puso kong nagdurusa…

Humingi ng isa pang pagkakataon,
subalit ako'y di mo pinagbigyan
Di ko man lamang naitanong, nasaktan ba kita?
Saan ako nagkamali, sabihin mo sinta….

Kaya hangang ngayo'y patuloy na umaasa
Na pagsikat ng isang bagong umaga, ika'y muling makasama
Upang ang sugat ng kahapon ay tuluyan ng maghilom
mamahalin ng walang hanggan, maging sa kabilang buhay man…



SUGAT NG KAHAPON
By: PANGET
Wednesday,08 November 2000